matagal tagal na rin akong walang post. mejo nagiging antukin kasi at wala naman masyadong nangyayaring kakaiba sa buhay ko.
sumulat ako hindi dahil ito’y bagong karanasan kundi siguro baka sa pagsulat e makuha ko ang sagot sa mga katanungan ko; maliwanagan ang isip sa mga dapat o sa hakbang na dapat kong gawin.
madrama ba? hehehe.
komplikado ko siguro ma-i-i-deskyrb ang setup ng aking pamilya. naghiwalay ang aking mga magulang bago ako magpakasal. nung una mahirap tanggapin yon ganitong setup. mahirap sagutin ang tanong bakit nangyari ito. pero napagtanto na mas mainam pa na naging ganito kesa maging paulit ulit ang isang problema di na namin alam kung paano sosolusyonan. di ko na papalawakin ang paksang ito dahil para sa akin okay na ako dito masaya na ako dito.
pero alam ko me mga kompliks pa rin na darating sa payapa na naming buhay, kompliks na sa una di mo alam ang gagawin mo, nakakalito, nakakabangag
unang komplik : namatay ang lola ko, nung una ayaw ko pumunta or magtagal sa burol niya kasi alam ko kami ang tyak na number one topic sa burol nito, pero sabi nga ng nanay ko wag na lang namin pansinin ang mga nagtsi tsimisan ang mahalaga nandon kami.
pangalawang komplik : kapag pala adyan na si tatay andyan din si nanay me konti kang isyu na mararamdaman sa sarili mo, me konti rin pagkalito kung paano mo sya kakamustahin (si tatay), pano mo kakausapin kasi maararing di mo pa tanggap o kayang harapin ang lahat.
pangatlong komplik : konektado sa pangalawa. kapag pala me hiniling sayo na pabor si tatay me konting “twist” ka mararamadaman. “twist” kasi gusto mo pagbigyan ang pabor nya pero ayaw mo magalit/magdamdam/sumama ang loob ng nanay. ayaw mo me maging isyu pa sa pabor na ito. pero gusto mo rin pagbigyan ang pabor ni tatay. gusto mo malaman ang ilang detalye sa pabor, kaya tatanungin mo pero ayaw mo marinig / malaman ang tunay na sagot.
minsan talga ang buhay sobrang komplikado. pag nagsimula ka na magisip di mo na alam pano nga ba ito?
Dec 5, 2009 at 12:41 pm
hey kamusta? hehe tagal di nakabisita dito.
anyways, ganyan talaga minsan, nagiging komplikado ang mga bagay bagay kahit di natin gustuhin. tayo’y mga biktima ng pagkakataon. awts.
ay teka parang maxadong nega. tawag ka lang sa saviour mo, di ka pababayaan nun. :]
god bless :]