kagabi nagpraktis praktis akong mag-shooting ke ten-ten.  basa manual, klik dito klik doon! kainis me mga blur na kuha.  bakit kaya? naisip ko na lang bago pa lang kasi ako e kaya siguro di ko pa gamay ang camera.

natulog pagkagising kuha ulit ng mga litrato. me mga blurred pa rin na kuha … hmmmmmmmm.. **ting** alam ko na ang isa sa mga dahilan, kaliwete nga pala ako at sa kanan dapat hinahawakan ang camera. hehehe kaya pala. wala nga palang laban ang kanang kamay ko. Kahit anong buhatin ko dapat kaliwang braso + kamay ang gamitin kasi kung kanan patay tyak mababasag ito o kaya’y gagalaw galaw ito.

naku isang challenge na naman ito hahaha :D