Ewan ko ba pero nakaugalian ko na talga na maglagay ng pangalan sa nabibili kong techie na gamit.

Last Tuesday tumawag sa aking si RJ (pangalan ng nagtitingda sa activity center ng Glorieta) na meron na daw silang stock ng pina-reserve kong gamit. Syempre super excited ang lola nyo at agad kong pinik-up ito, ewan ko ba parang mabilis lahat ang pangyayari agad na iniabot ang credit card (0% kasi at 12 mos to pay), siniwipe ang card ni kuya, pumirma sa resibo ng ala pa yon unit na binili ko.  Ayon dumating na rin sya, medyo kinakabahan na baka damage yon unit pero thank God its not.

canon-g10-powershot

Habang dinidemo ni RJ kung pano yon basic na paggamit nito, super natutuwa na si ako, matagal na kasi akong kinakati na bumili nito at eto na. May diskusyon pa nga kami dati ng asawa ko kung ika-cash ba sya or hindi.  Sa halaga nito bakit di pa DSLR ang binili ko? Simple lang ang dahilan ayaw ko ng masyadong bulky dahil at di ko balak karirin ito.

Syempre ala pa me beginner’s shots, ala pa kasi masyadong time, kinakarir ko munang pagtyagahan basahin yon manual ni ten-ten.